Jomar Lovena nagsalita na patungkol sa pag-ugnay sa pangalan niya sa isyu ni Donnalyn Bartolome

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

.

Naging maingay ang isyu na kinasangkutan ni Donnalyn Bartolome, isa sa pinakasikat na social media influencer patungkol sa taong kakilala niya na may pagkakautang sa kaniya.

Naging viral ang “gandang birthday gift” di umano ng influencer dahil sa 1M na hindi pa nababayaran sa kaniya. Hindi rin nagpatinag ang mga netizens sa pag-ugnay sa pangalan ni Jomar Lovena na siyang tinutukoy di umano ni Donnalyn.

blank

Agad naman itong tinuldukan ni Xian Gaza matapos niyang ilahad kung paanong lumapit ang mga kaibigan ni Jomar, ex pati na rin ang misis nito para lamang manghiram sa kaniya.

blank

Sa kaniyang post sa Nyeam Vlogs pinangalanan ni Xian Gaza ang taong tinutukoy ni Donnalyn at kung bakit siya nasangkot sa isyu.

Aniya maraming sikat na influencer ang lumapit sa kaniya tulad nila Sachzna na humihingi ng tulong para kay Jomar, na kung pwede ay pautangin siya ng 1M. Dagdag pa ni Xian hindi lang kampo ni Sachzna ang lumapit sa kaniya pati na rin ang ex di umano ni Jomar at ang asawa mismo nito na handang i-collateral ang titulo ng lupa.

blank

Sa isang parte ng vlog ni Xian Gaza ay nasabi niya ang posibleng dahilan kung bakit nawala ang pera na sana ay show money lang. Una na dito ay nalulong sa sugal si Jomar o talagang na-scam nga ito.

blank

At matapos nga ang haka-haka ay nagsalita na si Jomar sa kaniyang personal Facebook account kung saan sinabi niyang nabayaran na niya ang kaniyang pagkakautang kay Donnalyn at humingi na rin siya ng paumanhin sa mga nagawa niyang istorbo at problema.

Dagdag pa niya ay hindi totoo ang espekulasyon ng mga netizens na nagastos niya ang pera sa talpakan.

Panoorin ang kaniyang buong mensahe: ShowbizPhil

Manila Papers