Xian Gaza may pasabog sa isyu na unang inilabas ni Donnalyn Bartolome patungkol sa 1M na hiniram sa kaniya.

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Nitong nakaraang araw ay umingay ang pangalan ng sikat na influencer na si Donnalyn Bartolome patungkol sa taong nanghiram di umano sa kaniya ng 1M para lamang sana sa SHOW MONEY sa bibilhing sasakyan.

blank

Agad itong pinahiram ni Donnalyn at mababasa sa kaniyang post na convo kung paano pa nag-extend ng mga tulong ang sikat na influencer sa di umano ay “kakilala” lamang niya dahil sa mutual na kaibigan.

blank

Mabilis ang pag-viral ng naturang post dahil sa milyong milyong followers ni Donnalyn at maraming netizens ang iniugnay ang pangalang Jomar Lovena sa isyung ito.

Hindi man pinangalanan ng influencer ang “kakilala” ngunit di rin matinag ang mga netizens sa paghanap ng koneksyon sa isyu at kay Jomar Lovena, isa ring YouTube vlogger.

blank

Hanggang sa hindi na rin napigilan ng isa ring sikat na personalidad hindi lang sa social media pati na rin sa current news dahil sa dating kinasangkutang isyu na si Xian Gaza.

Sa kaniyang post sa Nyeam Vlogs pinangalanan ni Xian Gaza ang taong tinutukoy ni Donnalyn at kung bakit siya nasangkot sa isyu.

blank

Aniya maraming sikat na influencer ang lumapit sa kaniya tulad nila Sachzna na humihingi ng tulong para kay Jomar, na kung pwede ay pautangin siya ng 1M. Dagdag pa ni Xian hindi lang kampo ni Sachzna ang lumapit sa kaniya pati na rin ang ex di umano ni Jomar at ang asawa mismo nito na handang i-collateral ang titulo ng lupa.

blank

Wala di umano siyang kaalam alam na ang mga taong lumalapit sa kaniya para manghirap ay para ipambayad sa kaniya mismong kaibigang si Donnalyn Bartolome dahil hindi umano nagku-kwento si Donnalyn sa kaniya patungkol dito.

blank

Nilinaw rin ni Xian bakit naipost ito ni Donnalyn gayong alam niya na malabo na siyang mabayaran dahil sa ginawang ito. Aniya ang nais lang din di umano ni Donnalyn ay malinawagan ang mga iba dahil nadadawit ang pangalan ni Donnalyn sa mga ginagawa ni Jomar na pangungutang.

blank

At sa huli ang mensahe lamang ni Xian kay Jomar ay maglabas ito ng kaniyang side at kung talagang naloko siya bakit hanggang ngayon walang pulis report at kung sino man ang nanloko ay pangalanan niya dahil marami di umano ang handang tumulong sa kaniya dahil sa connection din ng mga naturang kaibigan.

Sa ngayon marami ring mga netizens ang tumututok sa isyung ito dahil na rin sa mga kilala ang mga personalidad na sangkot dito.

Para sa kabuoan ng vlog panoorin dito Nyeam Vlogs

Manila Papers